Cherreads

Crown Me Inlove

Mookie_
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
493
Views
Synopsis
Ang goal ni Hana after graduation? Simple lang — makahanap agad ng trabaho. Pero ang hindi simple? Ang mapunta sa loob ng Céha Royal Estate, kung saan ang mga boss ay literal na royal family. Enter Prince Ruhan — guwapo, mysterious, at kilalang walking aircon sa sobrang lamig ng personality. Isang mali lang, tanggal agad. Pero si Hana? Chaotic, palaban, at hindi marunong manahimik. Mapapasunod ba niya ang isang prinsipe gamit ang charm, tsaa, at chika? O masusulat agad ang resignation letter niya on Day 1? Hi this is my first time writing tagalog story hope you like it just leave comment if you like it :)
VIEW MORE

Chapter 1 - Winter Job, Warmer Chaos

Sa gitna ng malamig at maulap na umaga sa Seoul, habang ang mga tao ay balot na balot sa coats at mufflers, isang babaeng nakasuot ng oversized white puffer jacket at fluffy earmuffs ang makikitang nakaabang sa bus stop.

Siya si Hana Ryu. Twenty-three. Fresh graduate. Pretty. Top student. Famous sa mga lalaki sa university — not because she was flirty (ew, no) but because she was untouchable. As in, "Study first, landi later" ang motto ng lola mo. Athlete din siya — black belter sa taekwondo at archery varsity. Pero ngayon, unemployed.

"Ugh. Walang kasing lamig ng buhay ko ngayon," bulong niya habang hinahagod ng mainit na hininga ang nagyeyelo niyang mga daliri.

Habang naghihintay ng bus pauwi mula department store, napansin niya ang isang papel na parang di bagay sa malinis na aesthetic ng bus stop. Parang poster na made-with-love pero printed lang sa A4 na bond paper. Curiosity kicked in.

“HIRING: PERSONAL SECRETARY to a Royal Official of Céha Royal Estate.”

"Hala? Legit ba 'to?" Tumingin siya kaliwa't kanan na parang baka biglang may hidden camera. Pero wala.

Nakita niyang may contact details at instruction na pwede mag-apply online.

"Hmm... fate ba 'to? Kaka-graduate ko lang eh. Malay natin, baka eto na ang daan sa kasikatan ko bilang future CEO-slash-Royal-BFF-slash-worldwide-sensation."

Of course, overacting queen si Hana.

Pagkauwi niya, parang may turbo ang fingers niya sa keyboard. Nakapag-apply siya agad online. Sinulat niya lahat ng achievements niya: leadership awardee, dean’s lister since forever, ambassador ng school, at ang pinaka-importante — “Time management goddess kahit puyat.” Sinama rin niya sa resume ang picture niya na parang K-pop trainee level ang dating. Siyempre, branding 'yan.

Two days later, habang kumakain siya ng cereal, may pumasok na email.

> “Congratulations! You are shortlisted. Please come to Céha Royal Estate at 9AM for your interview.”

Napatalon siya sa couch.

“OHMYGOSH MOM DAD HINDI NA AKO PALAMUNIN!”

Biglang sumigaw din si Mommy mula sa kusina, “Ay salamat! Akala ko habangbuhay kitang susuportahan!”

Si Daddy naman, chill lang sa tabi. “Maghanda ka, anak. Ang palasyo, hindi basta-basta 'yan. Kumain ka nang maayos. At huwag kang magsuot ng crop top ha.”

“Daddy, winter po ngayon. Unless gusto niyo akong gawing popsicle.”

At siyempre, hindi kumpleto ang eksena kung walang eksenador na kuya — si Haejoon. Twenty-six. Masungit. Judger. Pero secretly protective. Parang lahat ng kapatid sa K-drama ever.

“Mag-aapply ka sa palasyo? Sana di ka paalisin day one pa lang. Remember nung late ka sa PE class at nagpalusot kang na-kidnap ka?”

“Kuya, support me or shut up. Hatid mo ko bukas. Ipagprayer circle mo rin ako.”

“Tss. Ako pa pinapagalitan eh. Tanga talaga 'tong kapatid ko minsan.”

---

The next day, 8:47 AM.

Pagkababa nila sa harap ng Céha Royal Estate, para kang binatukan ng yaman. Mukha siyang crossover ng historical palace at luxury hotel. May fountain pa sa entrance na may umiikot na sculpture. At may guard na parang model ng uniform.

Si Hana, naka-formal cream coat, black turtleneck dress, at 4-inch beige heels na mas mahal pa sa buong grocery budget nila sa isang linggo.

“Grabe. Hindi pa ako nakapasok pero parang pwede na akong magpa-picture for life achievement.”

Pinilit niyang maging composed pero nanginginig ang tuhod niya — di lang sa lamig, pati na rin sa kaba.

Pagpasok niya, amoy lavender ang buong hallway. May chandelier sa ceiling, marble floors, at mga paintings na feeling mo gumagalaw kapag hindi ka nakatingin. May mga staff na pa-walk model level ang aura at uniform na parang lumabas sa magazine.

May isang staff na lumapit.

“Ms. Ryu? This way please.”

Dinala siya sa Royal Office, isang malaking kwarto na parang boardroom slash antique museum. Doon siya hinarap ng isang babaeng parang principal slash head nun ang aura.

“Ms. Ryu, we’ve read your application. Very impressive. But before we proceed… sagutin mo muna ang ilang tanong.”

Nag-deep breath muna si Hana.

“Una, mahaba ba pasensya mo?”

“Po? Ah yes po! As in trained po ako sa pila sa registrar.”

“Pangalawa, kaya mo bang sumunod sa mahigpit na rules?”

“Rules are my middle name, Ma’am!”

“Pangatlo, willing ka bang tumira sa palasyo kung kailangan?”

Napaisip siya. Pero naalala niyang wala siyang sariling kwarto sa bahay kasi lagi siyang kinakaladkad ni Mommy sa sala para mag-bonding habang nanonood ng drama.

“YES. Kahit janitor’s closet pa po yan. Okay lang!”

Tumango ang staff, ngumiti ng konti.

“Very well. Here are the restrictions: bawal ang late. Bawal ang kalat. Bawal ang chismis. Bawal ang pabebe. Lalo na… bawal ang tanga.”

Napanganga si Hana. "Grabe 'yung huling rule ah."

“At higit sa lahat… never upset the prince.”

Nag-blink si Hana. “Prince? Wala po akong nabasang ganun sa posting…”

“Hindi pa siya dumarating. Nasa Europe pa siya. Nag-migrate when he was nine. Pero babalik na daw siya any day now.”

"Okay… noted po… noted na noted!"

Pagkatapos ng interview, pinayagan siyang maglibot ng konti habang standby pa ang status niya. On-call daw muna siya until further instructions.

Bago umalis, dumaan siya sa vending machine. Yup. May vending machine sa loob ng palasyo. Social!

“Omg! 900 won lang pero lavender latte? Gourmet!”

Habang iniinom ang kape, may narinig siyang mga staff na nagtsi-tsismisan malapit sa pantry.

“Sabi nila, grabe daw ‘yung ugali ng prinsipe.”

“Oo. Parang robot. Hindi raw tumatawa.”

“Perfectionist. OCD level 999.”

“Ayaw sa alikabok. Ayaw sa late. Ayaw sa excuses. At pag di ka pumasa sa standards niya… tanggal agad.”

Biglang natahimik si Hana.

Tanggal agad?

Napatingin siya sa sariling reflection sa coffee machine. May chocolate froth pa siya sa labi.

“Okay. No pressure, Hana. Hindi mo pa siya kilala. Baka naman mabait in real life. Baka tsismis lang ‘yon.”

Nag-ring ang phone niya.

UNKNOWN CALLER.

“Hello?”

“Ms. Ryu? This is from the Royal Staff. Please be ready. Your start date is tomorrow. 6 AM sharp.”

Napamura siya sa utak.

“6 AM?!? Sa winter??”

Pero natural, hindi niya pinahalata. “Copy po! I’ll be ready.”

Pagkababa ng tawag…

Napatingala siya sa chandelier.

“Prince of Céha, kung sino ka man… please wag kang ganun ka-strict. Softie lang po ako. Sensitive ako sa shout.”